Thursday, January 21, 2010

A Letter to the Filipino People

I am writing this letter to you to express some of my concerns regarding the aftermath of our much anticipated Presidential elections. I am firm in my belief that Sen. Noy Aquino will win the election. Meanwhile I choose you as one of the recipient of this letter because I know that politics is only an expression of how you love our motherland the most.
First and foremost among such concern is the number of votes that Sen. Aquino will enjoy in Metro Manila areas. As you do know some of the other senatorial candidate of the other parties has had a good shot at winning the election as well and they might be a risk to the future President’s campaign against corruption and maybe against his government. Not to mention the House of Representative that may be also affected by such a campaign. As a keen observer of our political history, if Metro Manila never gives a majority vote to a President, meaning a 51% of the total number of votes, the sitting President has a logical and physical reason to be ousted or be terrorized by an unfriendly opposition. If that is the case, that factor might affect the judgments of the good President in dealing with his future detractors and his allies as well. So his stand to fight corruption maybe compromised. I am suggesting an all out effort to make sure that Sen. Aquino gets the votes in Metro Manila needed to cast away fears of being unseated.
Second concern is regarding the way we should help the President in fighting corruption and defending his government. This advocacy of ours should not stop after the election. We shall continue until the Good Lord call us to join him in His reign. As the saying goes ‘No man is an island.’ Sen. Aquino cannot win the fight all alone. Here I am suggesting that we should organize a group with the task of helping him and be his guiding conscience in deciding a decision with regards to corruption. This group might call for its member to either donate or do a fund raiser to raise a fund that will be given to the Government as an aid in its effort to fight corruption. And this group will organize a rallying force when the good government is threatened.
Third and the last of my concern is our loyalty to the President. I am hoping that we will neither be affected by any bad propaganda to be launched by adversary nor will we be tired of supporting the government that we ourselves dream and hope. This last concern may bring to you a reason to ask yourself if you are indeed a true defender of our nation. And being a true defender means to stay directly focused on the good task that we give ourselves as a covenant to our very own land. Don’t let history judge us for the wrong decisions we take and we make. Let it be the quite witness of how strongly we try to make a change. And let that change be a good one to remember. Our people dreamed for long. And at last the dream now is on the way to becoming a reality.
I am labeling this letter with an Impossible Mission but I am hoping that with people like you the boundary of impossibility will be conquered. This nation of ours has still hope. And you are among those who hold the key to a better Philippines. May God be with us and guide us in this fight.

Tuesday, January 5, 2010

Kay Ninoy at Cory



Wala sa hinuha nitong sambayanan,
na ang simpleng kasal ay laong nilaan;
sukat tinadhanang magharap sa altar,
niyong ating amang nasa kalangitan.

Nakatadhana ngang umukit ng daan,
sa mga pahina nitong kasaysayan;
isang magkabiyak na labis minahal,
at dinadakila ng bayang nilakhan.

Tumatanaw ngayon ng malaking utang,
ang sariling baya't sampung mamamayan;
na pinag alayan ng dugo at buhay,
ng ang kalayaa'y tunay na makamtan.

Kaya nga kahima't kami'y magkaiba,
ng kulay ng balat o laki ng mata;
kaming Pilipinong lalong pinagpala,
ay di lilimutin ang sainyong gawa.

At hayaan ninyong sa mga damdamin,
alaala ninyo aming sariwain;
at kung ang bayan ay may bagong panimdim,
sa inyong pangalan aming babakahin.

Ang mga anak n'yong sa ami'y iniwan,
ang lalong bubuhay ng inyong larawan;
at sila ay tunay naming babantayan,
ipagtatanggol nga sa anumang laban.

Pamanhik lang namin O Ninoy O Cory,
sa Dakilang Ama kami'y ipagsabi;
na mabunying bayang inyong pintakasi,
sana'y wag hayaang sa dusa'y pumirmi.





Sunday, January 3, 2010

Isang Kasaysayan ( Ikalawang Yugto )

Matagal pa muna bago n'ya nasundan,
ang naunang kwentong kanyang binitiwan;
bago naituloy ay agad nahilam,
ang naimbing mata sa luha nagdaan.

" Kami'y mahirap lang ng aking iluwal,
ang lima kong anak na lubha kong mahal;
ngunit nagsumikap ang asawang hirang,
bago s'ya binawi ng poong maykapal.

Sa aki'y naiwan munting kabuhayan,
na siyang ginamit sa pagpapaaral;
hanggang sa matapos ang aking panganay,
na agad sinugong negosyo'y bantayan.

Ang sumunod naman sa aking panganay,
ay lubhang bata pa't nasa kahatian,
ng elementarya at wala pang muwang,
sa kung anong meron sa lakad ng buhay.

Ang tatlong iba pa'y ni hindi pa man lang,
nakakapag-isip ng kanilang lagay;
kaya't ako muna ang kanilang bantay,
hanggang karununga'y lumagong tuluyan.

Nang una'y magaan ang lahat ng bagay,
dito sa pamilyang aking naipundar;
hanggang isang araw ang sabi ay inay,
akong panganay mo'y may bago ng buhay.

Sa aki'y hinarap ang sa kanyang liyag,
na sa panuri ko ugali'y maaskad;
nguni't nanahimik sinaloob agad,
ang kasiyahan n'yang panganay kong anak.

Hindi nga naglao't nagpaisang dibdib,
panganay kong anak sa liyag na ibig;
ang sa kanyang sayang di halos masaid,
ay umpisa pala ng aking pasakit.

Manugang kong likat di ko kagustuhan,
sa aming tahana'y agad ipinisan;
nang ang kanyang mata ay aking matingnan,
nakataas mandin ang kaliwang kilay.

At sa pag-usad nga ng may ilang araw,
doon na lumabas ang tunay na kulay;
malditang kay lupit walang isang bagay,
na hindi tumugon kung hindi pabulyaw.

Ang turing sa aki'y hindi man sa ina,
kundi yaong para sa aping alila;
at may magkaminsang dumanas ng mura,
pagka may inutos na hindi tumama.

Sa anumang pagod tuwina ay lunas,
mapanuring mata't salitang may libak;
ano ka ba ina'y O' lubha kang tamad,
wala pa ngang gawa ay pahinga agad.

Sa kabila nito'y hindi ko dinaing,
ang dinaranas kong dusa at hilahil;
sa mahal kong anak na puso ay lilim,
ng labis na saya sa mutyang suwail.

Sinong ina baga ang may nais ibig,
na ang kasiyaha'y sa anak mapatid;
titiisin na lang ang sakit ng dibdib,
ng ang tuwang danas ay hindi maiidlip.

Nguni't ang dusa ko sadyang nakahilig,
na maganap na nga kahit di ko nais;
para bang tadhanang laon ng inukit,
ng mabunying kamay niyong nasa langit.






Saturday, January 2, 2010

Isang Kasaysayan ( Unang Yugto )

Meron akong kwentong aking nalalaman,
nais kong sa inyo'y aking ipaalam;
itong istorya ko'y sariwa pa naman,
at ito'y nasagap kamakailan lang.

Sa malayong bayan sa dulong silangan,
na unang sikatan ng sinag ng araw;
merong isang kalyeng wala pang pangalan,
dito ang kwento ko unang natuklasan.

Mahabang kalsadang pinaikot-ikot,
na ang unang plano'y deretso ang daan;
pero ang kwento ko'y hindi d'yan umabot,
kundi sa babaeng madalas madatnan.

Gulo-gulong buhok at mukhang kulubot,
maitim na damit at madaming supot;
pag ika'y dumikit at siya'y masinghot,
ilong mong mahina sa sipon ay lagot.

Maghahapon noon ng unang mapansin,
ang babaeng itong sa maunang tingin;
ay mandidiri ka at maririmarim,
sa maduming bihis at bangong malagim.

Kasisilong ko lang sa isang tindahan,
dahil nagbabadyang nung hapo'y umulan;
nang itong babae ako ay lapitan,
nanghihingi siya ng panghahapunan.

Ako ay dumukot sa nakapang bulsa,
ng ilang piraso ng naipong barya;
agad iniabot ang kaunting pera,
sa babaeng agad ngumiti ang mukha.

Nguni't ang babae'y hindi pa umalis,
pagdaka'y tumingin sa maputlang langit;
at kanyang winika " o anak ko bakit?
" ganitong malamig ako'y natitiis.

Anong dusa baga ang kakabakahin,
ng mabuting puso at di maninimdim;
kung ang salang gawa ay di patawarin,
ng sariling anak at mahal na supling. "

Ako'y napatingin sa babaeng dusta,
agad nakita ko ang bukal ng luha;
ang kanina'y ngiti ngayon ay iyak na,
at may kalungkutang hindi maipinta.

hahayaan sana't hindi papansinin,
kung hindi lang dahil sa salitang bilin;
" amang ako ba sa'yong unang tingin ,
ay masamang taong hindi mahabagin. "

Napilitan akong ibuka ang bibig,
" Ay ako'y tao pong hindi napahilig;
umuri ng kapwa't sa kapwa'y umusig,
kung may kasamaang sa puso umukit. "

Pagkawika nito ay sumagot agad,
" Amang sa uri ba pag aking nilahad;
ang anumang bagay na sa puso'y buhat,
merong sala bagang wala ng patawad?

Natahimik ako't napaisip-isip,
at ang babae ay napahintong saglit;
ang akalang Sisang may kulang ang bait,
bakit kung magtanong may talinong hatid.

" Magsasampung taon na aking binilang,
mula ng ako ay unang iniwanan;
ng lima kong anak na aking minahal. "
ang pagdaka'y wika ng babaeng pagal.