Makailang ulit na lumabis labis,
lumabis ang dibdib sa nadamang galit;
galit na tuwirang bumasag sa bait,
bait na lugaming humalik sa hapis.
Paanong ang dati'y nasa kanyang rurok,
matulaing diwang maraming umirog;
tanglaw sa karimlan ng mga nalugmok,
Ngayon ay nasaklaw ng matinding lungkot.
Noong dakong una sa bawat hinaing,
ng pusong may tampo't puno ng panimdim;
ay agad ang sabing tumula't suyuin,
saan ba ang tungo? Ay kundi sa piging.
Sa pakikibaka'y kasama sa digma,
kaulayaw niyong bayaning makata;
Sa pagkapanalo at pagkakalisya,
sidhi'y isusulat at siyang hininga.
Ang pintuang bakal bakit naipinid,
sa halaw ng ritmo't matulaing tinig;
kung ang dalit nito'y nalagay sa titik,
bakit ni sa papel hindi maiukit.
Kaya't naisipang bago pa maputol,
at tuluyan na ngang sa wala humapon;
diwang matulain bago pa malipol,
baka may oras pang hilumi't ibangon.
Lakas nga'y inipon sa isip hinabi,
ang mga salitang sintang pintakasi;
upang mapalaot madlang guniguni,
sa lilom niyaong matulaing hari.
Paanong ang dati'y nasa kanyang rurok,
matulaing diwang maraming umirog;
tanglaw sa karimlan ng mga nalugmok,
Ngayon ay nasaklaw ng matinding lungkot.
Noong dakong una sa bawat hinaing,
ng pusong may tampo't puno ng panimdim;
ay agad ang sabing tumula't suyuin,
saan ba ang tungo? Ay kundi sa piging.
Sa pakikibaka'y kasama sa digma,
kaulayaw niyong bayaning makata;
Sa pagkapanalo at pagkakalisya,
sidhi'y isusulat at siyang hininga.
Ang pintuang bakal bakit naipinid,
sa halaw ng ritmo't matulaing tinig;
kung ang dalit nito'y nalagay sa titik,
bakit ni sa papel hindi maiukit.
Kaya't naisipang bago pa maputol,
at tuluyan na ngang sa wala humapon;
diwang matulain bago pa malipol,
baka may oras pang hilumi't ibangon.
Lakas nga'y inipon sa isip hinabi,
ang mga salitang sintang pintakasi;
upang mapalaot madlang guniguni,
sa lilom niyaong matulaing hari.
Nguni't ang landasin ay dagling binuwal,
niyaong patnugot na kasuklam suklam,
hungkag na damdaming dinadalisayan,
ng siphayo't dusang lubhang kasawian.
Agad pang sinabing may bahid ng tuya:
"Aanhin ang tamis ng mga salita,
kung walang may nais ng saiyong akda,
aanhin ang diwa ng sukat at tugma?
Danga't ang lahat nga maging pa ang tao,
naipanukalang sa iglap magbago;
maging ang nasulat, tinanim sa puso,
ay naitadhanang sa mundo'y maglaho."
At manaka'y sunod sa naibulalas,
" sundin mo ang payo at humayo agad;
kalimutan mo na ang layong nilakad,
kalimutan mo na't limot na ng bukas."
Agad pang sinabing may bahid ng tuya:
"Aanhin ang tamis ng mga salita,
kung walang may nais ng saiyong akda,
aanhin ang diwa ng sukat at tugma?
Danga't ang lahat nga maging pa ang tao,
naipanukalang sa iglap magbago;
maging ang nasulat, tinanim sa puso,
ay naitadhanang sa mundo'y maglaho."
At manaka'y sunod sa naibulalas,
" sundin mo ang payo at humayo agad;
kalimutan mo na ang layong nilakad,
kalimutan mo na't limot na ng bukas."
Wari'y paruparong sa maunang tingin,
animo ay gandang walang di papansin;
nguni't yaon pala'y ubod ng rimarim,
mabunying halimaw na kalagim lagim.
Sadya nga bang ito ang tadhanang tunay,
Panitik na giliw huhubdan ng buhay;
Ano't yaring bukas na dapat magpanday,
ang siyang sisira sa natayong suhay?
Nguni't kung masawi't tuluyang mahulog,
sa lilibngang bitak, madawag na puntod;
sumpain ng langit, sumpaing marubdob,
kung di magpumilit na ikaw'y mahugot.
Sadya nga bang ito ang tadhanang tunay,
Panitik na giliw huhubdan ng buhay;
Ano't yaring bukas na dapat magpanday,
ang siyang sisira sa natayong suhay?
Nguni't kung masawi't tuluyang mahulog,
sa lilibngang bitak, madawag na puntod;
sumpain ng langit, sumpaing marubdob,
kung di magpumilit na ikaw'y mahugot.