ay nadadaanan ng sikat ng araw;
ang isang mayumi't dakilang kariktan,
na handog niyaong Poon na kumapal;
at may panukalang hindi papayagan,
maipagulapay nitong kasawian.
Kaya nga kahima't maraming nagnasa,
na ika'y angkinin at maisadusta;
hindi nagtagumpay yaong masasama,
maipagkaloob ang malilong pita.
Ah kay dalisay ng saiyong kagandahan
maging ang hanging umiihip,
na animo'y walang hanggan
ay nabibighaning tunay
sa angkin mong kariktan.
Ang tala sa gabi kapag walang buwan,
ay nagpupumilit na ika'y mahagkan;
kaya nga nawika ng palalong ulan,
" Ako'y saiyo lang magpakailan pa man."
Ah kay dalisay ng saiyong kagandahan
maging ang hanging umiihip,
na animo'y walang hanggan
ay nabibighaning tunay
sa angkin mong kariktan.
Ang tala sa gabi kapag walang buwan,
ay nagpupumilit na ika'y mahagkan;
kaya nga nawika ng palalong ulan,
" Ako'y saiyo lang magpakailan pa man."
No comments:
Post a Comment