Ilang ulit pa bang dapat makita mo,
ang lungkot sa mukha at ang pagluha ko;
wala na bang awang natira sa puso,
at di mo magawang ikaw ay magbago.
Masdan mo nga saglit ang mga kapatid,
na may ilang ulit dusa ay tiniis;
napagtanto mo bang ikaw ang naghatid,
ng kanilang hirap, pighati at hapis.
May saya ka pa bang sa buhay ay kulang,
gayong nakuha na ang lahat ng yaman;
salat pa bang lahat ng sa iyong layaw,
at nauwi ka na sa pagka gahaman.
Kung kulang pa sa'yo ang kamay ni bunso,
at di pa sumapat ang paa at braso;
ng kuya mong halos tingting na at lumpo,
sairin mo na rin ang sa aking dugo.
At pag di pa sapat nawa'y wag ibaling,
sa ibang kapatid ang iyong paningin;
huwag naman sanang tuluyang ubusin,
ang kinabukasan ng mahal kong supling.
Anak dinggin mo nga ang munti kong hiling,
na libong gabi kong sa Ama'y dalangin;
alisin mo nawa sa isip ang lagim,
at iurong mo na ang iyong balakin.
Ako'y malaon ng ika'y minamasdan,
at wala saiyo ang unawang tunay;
hindi mo na dapat naising hatiran,
ng kaginhawahan ang mahal mong inay.
Ipaubaya mo ang gawang maglingkod,
saiyong kapatid na may pusong lubos;
akong Ina mo na ang sa'yo'y may utos,
na sa iyong lakad ika'y tumalikod.
Kung di ka makinig sa panawagan ko,
akong Ina mo na ang sinusuway mo;
Manalig kang minsan sa mga payo ko,
ng di ka sumpain ng Diyos ng mundo.
ang lungkot sa mukha at ang pagluha ko;
wala na bang awang natira sa puso,
at di mo magawang ikaw ay magbago.
Masdan mo nga saglit ang mga kapatid,
na may ilang ulit dusa ay tiniis;
napagtanto mo bang ikaw ang naghatid,
ng kanilang hirap, pighati at hapis.
May saya ka pa bang sa buhay ay kulang,
gayong nakuha na ang lahat ng yaman;
salat pa bang lahat ng sa iyong layaw,
at nauwi ka na sa pagka gahaman.
Kung kulang pa sa'yo ang kamay ni bunso,
at di pa sumapat ang paa at braso;
ng kuya mong halos tingting na at lumpo,
sairin mo na rin ang sa aking dugo.
At pag di pa sapat nawa'y wag ibaling,
sa ibang kapatid ang iyong paningin;
huwag naman sanang tuluyang ubusin,
ang kinabukasan ng mahal kong supling.
Anak dinggin mo nga ang munti kong hiling,
na libong gabi kong sa Ama'y dalangin;
alisin mo nawa sa isip ang lagim,
at iurong mo na ang iyong balakin.
Ako'y malaon ng ika'y minamasdan,
at wala saiyo ang unawang tunay;
hindi mo na dapat naising hatiran,
ng kaginhawahan ang mahal mong inay.
Ipaubaya mo ang gawang maglingkod,
saiyong kapatid na may pusong lubos;
akong Ina mo na ang sa'yo'y may utos,
na sa iyong lakad ika'y tumalikod.
Kung di ka makinig sa panawagan ko,
akong Ina mo na ang sinusuway mo;
Manalig kang minsan sa mga payo ko,
ng di ka sumpain ng Diyos ng mundo.
nagdesisyon ang taong bayan...ang laban ng pera kailanman ay hindi na makakaapekto sa pulitika ng nag iisip na pilipino....
ReplyDelete