Matagal pa muna bago n'ya nasundan,
ang naunang kwentong kanyang binitiwan;
bago naituloy ay agad nahilam,
ang naimbing mata sa luha nagdaan.
" Kami'y mahirap lang ng aking iluwal,
ang lima kong anak na lubha kong mahal;
ngunit nagsumikap ang asawang hirang,
bago s'ya binawi ng poong maykapal.
Sa aki'y naiwan munting kabuhayan,
na siyang ginamit sa pagpapaaral;
hanggang sa matapos ang aking panganay,
na agad sinugong negosyo'y bantayan.
Ang sumunod naman sa aking panganay,
ay lubhang bata pa't nasa kahatian,
ng elementarya at wala pang muwang,
sa kung anong meron sa lakad ng buhay.
Ang tatlong iba pa'y ni hindi pa man lang,
nakakapag-isip ng kanilang lagay;
kaya't ako muna ang kanilang bantay,
hanggang karununga'y lumagong tuluyan.
Nang una'y magaan ang lahat ng bagay,
dito sa pamilyang aking naipundar;
hanggang isang araw ang sabi ay inay,
akong panganay mo'y may bago ng buhay.
Sa aki'y hinarap ang sa kanyang liyag,
na sa panuri ko ugali'y maaskad;
nguni't nanahimik sinaloob agad,
ang kasiyahan n'yang panganay kong anak.
Hindi nga naglao't nagpaisang dibdib,
panganay kong anak sa liyag na ibig;
ang sa kanyang sayang di halos masaid,
ay umpisa pala ng aking pasakit.
Manugang kong likat di ko kagustuhan,
sa aming tahana'y agad ipinisan;
nang ang kanyang mata ay aking matingnan,
nakataas mandin ang kaliwang kilay.
At sa pag-usad nga ng may ilang araw,
doon na lumabas ang tunay na kulay;
malditang kay lupit walang isang bagay,
na hindi tumugon kung hindi pabulyaw.
Ang turing sa aki'y hindi man sa ina,
kundi yaong para sa aping alila;
at may magkaminsang dumanas ng mura,
pagka may inutos na hindi tumama.
Sa anumang pagod tuwina ay lunas,
mapanuring mata't salitang may libak;
ano ka ba ina'y O' lubha kang tamad,
wala pa ngang gawa ay pahinga agad.
Sa kabila nito'y hindi ko dinaing,
ang dinaranas kong dusa at hilahil;
sa mahal kong anak na puso ay lilim,
ng labis na saya sa mutyang suwail.
Sinong ina baga ang may nais ibig,
na ang kasiyaha'y sa anak mapatid;
titiisin na lang ang sakit ng dibdib,
ng ang tuwang danas ay hindi maiidlip.
Nguni't ang dusa ko sadyang nakahilig,
na maganap na nga kahit di ko nais;
para bang tadhanang laon ng inukit,
ng mabunying kamay niyong nasa langit.
ang naunang kwentong kanyang binitiwan;
bago naituloy ay agad nahilam,
ang naimbing mata sa luha nagdaan.
" Kami'y mahirap lang ng aking iluwal,
ang lima kong anak na lubha kong mahal;
ngunit nagsumikap ang asawang hirang,
bago s'ya binawi ng poong maykapal.
Sa aki'y naiwan munting kabuhayan,
na siyang ginamit sa pagpapaaral;
hanggang sa matapos ang aking panganay,
na agad sinugong negosyo'y bantayan.
Ang sumunod naman sa aking panganay,
ay lubhang bata pa't nasa kahatian,
ng elementarya at wala pang muwang,
sa kung anong meron sa lakad ng buhay.
Ang tatlong iba pa'y ni hindi pa man lang,
nakakapag-isip ng kanilang lagay;
kaya't ako muna ang kanilang bantay,
hanggang karununga'y lumagong tuluyan.
Nang una'y magaan ang lahat ng bagay,
dito sa pamilyang aking naipundar;
hanggang isang araw ang sabi ay inay,
akong panganay mo'y may bago ng buhay.
Sa aki'y hinarap ang sa kanyang liyag,
na sa panuri ko ugali'y maaskad;
nguni't nanahimik sinaloob agad,
ang kasiyahan n'yang panganay kong anak.
Hindi nga naglao't nagpaisang dibdib,
panganay kong anak sa liyag na ibig;
ang sa kanyang sayang di halos masaid,
ay umpisa pala ng aking pasakit.
Manugang kong likat di ko kagustuhan,
sa aming tahana'y agad ipinisan;
nang ang kanyang mata ay aking matingnan,
nakataas mandin ang kaliwang kilay.
At sa pag-usad nga ng may ilang araw,
doon na lumabas ang tunay na kulay;
malditang kay lupit walang isang bagay,
na hindi tumugon kung hindi pabulyaw.
Ang turing sa aki'y hindi man sa ina,
kundi yaong para sa aping alila;
at may magkaminsang dumanas ng mura,
pagka may inutos na hindi tumama.
Sa anumang pagod tuwina ay lunas,
mapanuring mata't salitang may libak;
ano ka ba ina'y O' lubha kang tamad,
wala pa ngang gawa ay pahinga agad.
Sa kabila nito'y hindi ko dinaing,
ang dinaranas kong dusa at hilahil;
sa mahal kong anak na puso ay lilim,
ng labis na saya sa mutyang suwail.
Sinong ina baga ang may nais ibig,
na ang kasiyaha'y sa anak mapatid;
titiisin na lang ang sakit ng dibdib,
ng ang tuwang danas ay hindi maiidlip.
Nguni't ang dusa ko sadyang nakahilig,
na maganap na nga kahit di ko nais;
para bang tadhanang laon ng inukit,
ng mabunying kamay niyong nasa langit.
Ito po ang pangalawang yugto ng patulang nobelang " Isang Kasaysayan "
ReplyDeletehi kua jec
ReplyDelete